Panoorin: Fast food crew na balewala ang takot at pagod para sa pamilya at pangarap | PEP Specials

2020-10-13 1

Marami ang humanga at na-inspire sa larawan na ipinost ng Facebook user na si Mark Ken Garzon.

Ito ay ang litrato ng kasamahan niya sa trabaho sa isang fast food restaurant.

Makikita sa picture na nakaupo sa sahig sa isang sulok kunsaan nakalagak din ang mga sako ng bigas at iba pang supplies ng fast food resto ang isang babaeng service crew.

Kaharap nito ay isang cellphone, habang hawak sa isang kamay ang tila isang notebook.

Napag-alaman kalaunan na uma-attend pala ng online class nang mga sandaling iyon ang nasa larawan na si Jan Dominique Agravante, isang 4th year Business Administration student sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar).

Umantig sa damdamin ng netizens ang larawang ito ni Jan at naging viral.

Sa interview sa kanya ni Summit Originals video producer John Henri Mariano, sinabi ni Jan na sa kabila ng takot para sa sariling kalusugan dahil sa pandemya, kinuha pa rin niya ang pagkakataon na makapagtrabaho sa fast food store.

Kailangan niyang gawin ito sa kagustuhang makatapos sa pag-aaral at makatulong na rin sa kanyang pamilya.

Bukod sa lakas ng loob at sipag, mahusay na pagbabalanse ng oras sa pag-aaral at trabaho ang ginagawa ngayon ni Jan.

"Hindi ako puwedeng mapagod, kasi para kina Papa't Mama ang ginagawa ko at saka sa sarili ko rin po," saad pa ni Jan.

Panoorin ang nakaka-inspire at nakaka-good vibes na video na ito ni Jan at pakinggan ang kanyang mensahe para sa mga kapwa niya working students.

#OG-FastFoodCrewStudent #SummitOriginals #PEPspecials

Video Producer and Editor: John Henri Mariano

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Easy Viral Banner Traffic